Sunday, August 28, 2011

First Post



Matagal ko nang pinipilit na mag-blog yung pamangkin ko. Sabi ko, magandang mag-blog at mag-post ng mga pictures at magkaroon ng online journal. Parang investment lang yan. Habang tumatagal, mas dumadami at mas lumalago. Hindi habang buhay ay bata tayo at natatandaan yung mga pinaggagagawa natin ngayon. Balang araw, pag medyo nasa mid-30s na tayo, masarap tignan yung mga pictures natin nung high school pa tayo.

Nung high school kasi ako, wala akong camera. Mahal ang camera nun. Polaroid pa. Kaya gustuhin ko mang i-capture ang aking high school life noon, eh hindi ko magawa. Unlike ngayon, na mura na ang camera. Digital pa. DSLR na nga kung medyo may pera ka. So wala na talagang lusot kung bakit hindi mo na-capture ang “prime of your life” sa panahon natin ngayon.

Yung camera kasi ang itinuturing kong isa sa pinakamagandang bagay na naimbento ng tao. Imagine mo, mape-preserve mo yung time sa pamamagitan ng camera. Imagine-in mo, kung Stone Age pa lang ay may camera na, eh di kumpleto sana tayo ng mga pictures ng human history at evolution. Dami sigurong mga importanteng tao from the past, na na-picture-an siguro natin. I can’t imagine the possibilities.

So sana, ‘pag nakita ng pamangkin ko ‘tong blog na ito, matauhan sana s’ya at magsimula nang i-document ang buhay n’ya sa pamamagitan ng blog, journal (kahit word document lang) at pictures nang mas madalas. Ako kasi, nag-start akong magkaroon ng journal nung high school na rin ako. Kasabay ng Doogie Howser M.D.

Yung Doogie Howser M.D. nga pala ay isa sa pinakasikat na TV show nung kabataan ko. Tungkol ‘to sa boy genius na naging doctor at the age of 16. Imagine, 16 years old ka pa lang, doctor ka na. Yung character kasi na ito, may diary sa computer n’ya. So bawat episode, iisa ang ending – tina-type n’ya kung ano nangyari sa kanya nung araw na ‘yon. Ang kulet nga ng gamit n’yang PC eh, DOS-based pa hehe.

So nung nagkaroon ako ng computer nung 1997, ginaya ko si Doogie Howser. Nagkaroon ako ng journal sa computer ko. Word 97 pa ata gamit ko nun at Windows 95 pa ang OS ng PC ko nun. So na-document ko naman mostly ang high school life ko at early college life. Mala slang dahil hindi pa uso ang online storage at external hard disk nun. Floppy disk pa ang uso (yung 3.5”) at ‘di pa ko marunong mag-backup ng madalas nun. In short, nabura yung journal ko. So medyo na-trauma ako, at gumamit ng notebook for the meantime.

Nung 2008 na lang ako ulit nagka-journal, using Word 2003. Uso na online storage (like Skydrive) at external hard disk ngayon at marunong na akong mag-backup. So mostly, well-documented na ang aking buhay (kahit hindi naman ganun ka exciting ang everyday life ko). At ngayon nga, sinusubukan ko naming mag-blog.

Di ko ma-imagine kung ano pa ang mauuso sa future, pero one thing is for sure. Magandang i-document ang buhay ko dahil masarap balikan ang nakaraan. So hopefully, makapag-retire ako ng 65 at mabalikan ko ang mga nagdaang taon sa pamamagitan ng pagbabasa ng aking journal at blog. Naks.

Next post na ako magi-introduce ng sarili ko hehe. I decided nga pala na gawin ang blog na ito sa Taglish (Tagalog-English). Gusto kong ma-capture kung pano ako magsulat at magsalita ngayon. Ayaw ko naman ng purong Tagalog (malalim at sinauna). Baka magmukha naman akong 70 years old ngayon pa lang. Dapat contemporary style ang gamit ko ngayon pa lang. Di ko na ia-Italics yung mga English words. Medyo ma-trabaho ‘pag ganun. I dedicate this blog to the late president Manuel L. Quezon. Ang Ama ng Wikang Pambansa.