Nagdiriwang ang mga DDS sa pagpirma ni #PGong ng mga batas
tulad ng Expanded Maternity Leave, Free College Education at Universal Health
Law. Full credits ang mga DDS sa presidente ah – parang s’ya lang ang may gawa
ng lahat.
Ang nakakalungkot – mga citizens sa Facebook ang mga nauuto
ng mga DDS na ‘to. Kung kaya mong mag-Facebook, may access ka rin sa Internet.
Kayang-kaya mong i-Google kung sino ang primary author ng mga bills na ito para
naman i-credit mo ang congressman at senador. Wag puro sa presidente ang credit
dahil hindi pa naman n’ya napapatupad ang mga batas na ito ng maayos.
Madami sa mga DDS na ito ay nakapagtapos naman ng college.
Ibig sabihin, nakatapos naman ng Constitution 101. Alam naman siguro nila ang 3
sangay ng pamahalaan natin – Legislative, Executive at Judiciary. Legislative
(House of Representatives at Senate) ang gumagawa ng batas, Executive (Office
of the President) ang nagpapatupad ng batas, at Judiciary ang nagi-interpret
kung ang mga batas na ito ay ayon sa Saligang Batas, among other functions.
Okay naman i-credit ang pangulo sa mga inilabas nitong
Executive Orders tulad ng Nationwide Smoking Ban, FOI sa Executive Branch, DOLE
order regarding contractualization, atbp. Ang mga ito ay galling mismo sa
pangulo at hindi naman tinutulan ng Korte Suprema. Ibig sabihin, naaayon naman
sa Saligang Batas (Konstitusyon) – o walang nagsampa ng reklamo sa Korte
Suprema.
Pero ang mga batas na ipinasa sa pangulo para pirmahan,
bakit sa kanya lang nag credit ng mga DDS? Dahil ba ang mga batas na ito ay
gawa ng mga senador na nasa oposisyon tulad nila Bam Aquino (Free Education
Act) at Risa Hontiveros (Expanded Maternity Leave Act). Bakit kailangang
i-demonized ang mga senador na nasa oposisyon eh nagta-trabaho naman sila?
Hindi maintindihan ng mga DDS na ang papel ng Ehekutibo ay
ipatupad ang mga batas na ipinasa (at napirmahan) ng Lehislatibo. Dapat
husgahan ang Presidente (bilang pangunahing opisyal ng Ehekutibo) ayon sa
pagpapatupad n’ya ng batas. Halimbawa, sa National ID System. Nung isang taon
pa ito naging batas pero hanggang ngayon, wala pang ginagawa ang Presidente
para maisakatuparan ito.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang mga DDS na ito ay
mabilis mauto nila Thinking Pinoy, Mocha at Sassot gayong may access naman sila
sa Internet. Kayang-kaya naman nila i-fact-check ang mga pino-post ng mga ito
sa kanilang social media accounts. Siguro katamaran na lang kaya tinatanggap na
lang nila ang mga research diumano ng mga DDS bloggers na ito. Nakakalungkot.
Nawa’y gamitin natin ng tama ang ating pribilehiyo na
makapag-Internet. Huwag tayong dumagdag sa pagkakalat ng unverified reports (or
worst, fake news). Huwag tayong maniwala agad-agad ng mga nababasa natin sa mga
Facebook pages. Huwag natin siraan ang mga nasa oposisyon kundi maging
mapagmatyag at maging matalino tayo sa pagsusuri ng mga FB posts. Sa gayon, hindi
tayo madaling mauuto ng mga bayarang trolls at bloggers ng administrasyon.
Huwag din tayo pa-apekto agad sa mga negative comments na
nakikita natin. Suriin din natin kung ang nagpo-post ng mga komentong ito ay
troll or lehitimong FB o Twitter user. Maglaan ng konting panahon upang tignan
kung kelan ginawa ang accounts nila. Ilan ang friends/followers? Kung mga
tipong 11 followers at 0 followers at ginawa ng 2018, malamang na troll nga.
Huwag nang patulan.