Thursday, April 25, 2013

Libreng Sine

Salamat ulit sa Nuffnang PH at sa Sun Cellular dahil nanalo na naman ako sa kanilang pa-contest. Isa ito sa mga perks ng pagiging blogger.

Iron Man 3 nga pala ang pelikula na papanoorin namin bukas sa Newport Cinema 2, Resorts World Manila sa may Pasay City (tapat ng NAIA 3). Siguro pangatlo or pang-apat na beses na akong manonood ng sine sa Newport Cinema – at lahat ng ito ay libre, courtesy of Nuffnang PH at mga sponsors.

Sa mga curious kung ano ang Nuffnang PH, ito ang #1 blog advertisement company sa bansa. Actually branch ito ng Nuffnang na based sa Singapore. Mahigit 6 years nang nago-operate ang Nuffnang PH pero last year lang ako naging member nito. Sinuma nun, kung anu-anong prizes na at events ang napuntahan ko. At sosyalin ang mga events ng Nuffnang PH.

Kung ako sa ‘yo, maga-apply na akong blogger. Magaganda ang perks ng isang blogger – lalo na ‘pag member ng Nuffnang PH.

Kita-kits bukas sa Iron Man 3!

Iron Man 3

Saturday, January 12, 2013

“Pusong Bato” by Alon Band

Alon Band from flutelyricsdotph

Ang Last Song Syndrome (LSS) ay parang Love – ‘di mo alam kung kelan darating at paano.

Nakatambay lang ako dito sa bahay at nagko-computer habang ang aming kapitbahay ay walang habas sa pagkanta sa videoke. Paulit-ulit nilang kinakanta yung “Pusong Bato” kaya siguro nanuot sa aking kukute. Naging LSS ko tuloy!

Badtrip na mga kapitbahay, binigyan ako ng LSS. Baka madala ko ‘tong kanta na ‘to hanggang sa office sa Lunes. Ito na ba ang bagong pambansang kanta ng mga tomador at adik sa videoke?

Ito yata yung original na video ng “Pusong Bato”

Na-curious naman ako sa kanta. Hinanap ko sa YouTube yung original na video. Meron akong nakita, more than 5 million hits na video kaso puro lyrics. Yung sumunod naman, music video at may 3.7 million hits. ‘Di ko alam kung ilang linggo (or buwan na kaya) mula nang sumikat yung kantang ito pero ngayon ko lang talaga ito na-encounter.

Dala ng curiosity ko, nalaman ko na may copyright issue pa yung lyrics ng kanta. At ‘di ko rin malaman kung babae ba o lalaki yung original na kumanta. May lumalabas na original singer ay si Aimee Torres, pero mas sumikat ‘ata yung version ng Alon Band.

Hindi naman ako mahilig manood ng TV pero kinanta na pala ito ni Charice Pempengco sa Kris TV noong December. Ganun kasikat yung kanta. At dahil sa kantang ito, nagkaroon ako ng 2nd blog article dito sa Tagalog blog ko.

Maraming salamat sa aking mga tomador na kapitbahay sa pagbibigay sa ‘kin ng LSS na “Pusong Bato”.

Picture courtesy of www.flutelyrics.ph

Ang kwela at catchy ng lyrics ng kantang “Pusong Bato”.

Sunday, August 28, 2011

First Post



Matagal ko nang pinipilit na mag-blog yung pamangkin ko. Sabi ko, magandang mag-blog at mag-post ng mga pictures at magkaroon ng online journal. Parang investment lang yan. Habang tumatagal, mas dumadami at mas lumalago. Hindi habang buhay ay bata tayo at natatandaan yung mga pinaggagagawa natin ngayon. Balang araw, pag medyo nasa mid-30s na tayo, masarap tignan yung mga pictures natin nung high school pa tayo.

Nung high school kasi ako, wala akong camera. Mahal ang camera nun. Polaroid pa. Kaya gustuhin ko mang i-capture ang aking high school life noon, eh hindi ko magawa. Unlike ngayon, na mura na ang camera. Digital pa. DSLR na nga kung medyo may pera ka. So wala na talagang lusot kung bakit hindi mo na-capture ang “prime of your life” sa panahon natin ngayon.

Yung camera kasi ang itinuturing kong isa sa pinakamagandang bagay na naimbento ng tao. Imagine mo, mape-preserve mo yung time sa pamamagitan ng camera. Imagine-in mo, kung Stone Age pa lang ay may camera na, eh di kumpleto sana tayo ng mga pictures ng human history at evolution. Dami sigurong mga importanteng tao from the past, na na-picture-an siguro natin. I can’t imagine the possibilities.

So sana, ‘pag nakita ng pamangkin ko ‘tong blog na ito, matauhan sana s’ya at magsimula nang i-document ang buhay n’ya sa pamamagitan ng blog, journal (kahit word document lang) at pictures nang mas madalas. Ako kasi, nag-start akong magkaroon ng journal nung high school na rin ako. Kasabay ng Doogie Howser M.D.

Yung Doogie Howser M.D. nga pala ay isa sa pinakasikat na TV show nung kabataan ko. Tungkol ‘to sa boy genius na naging doctor at the age of 16. Imagine, 16 years old ka pa lang, doctor ka na. Yung character kasi na ito, may diary sa computer n’ya. So bawat episode, iisa ang ending – tina-type n’ya kung ano nangyari sa kanya nung araw na ‘yon. Ang kulet nga ng gamit n’yang PC eh, DOS-based pa hehe.

So nung nagkaroon ako ng computer nung 1997, ginaya ko si Doogie Howser. Nagkaroon ako ng journal sa computer ko. Word 97 pa ata gamit ko nun at Windows 95 pa ang OS ng PC ko nun. So na-document ko naman mostly ang high school life ko at early college life. Mala slang dahil hindi pa uso ang online storage at external hard disk nun. Floppy disk pa ang uso (yung 3.5”) at ‘di pa ko marunong mag-backup ng madalas nun. In short, nabura yung journal ko. So medyo na-trauma ako, at gumamit ng notebook for the meantime.

Nung 2008 na lang ako ulit nagka-journal, using Word 2003. Uso na online storage (like Skydrive) at external hard disk ngayon at marunong na akong mag-backup. So mostly, well-documented na ang aking buhay (kahit hindi naman ganun ka exciting ang everyday life ko). At ngayon nga, sinusubukan ko naming mag-blog.

Di ko ma-imagine kung ano pa ang mauuso sa future, pero one thing is for sure. Magandang i-document ang buhay ko dahil masarap balikan ang nakaraan. So hopefully, makapag-retire ako ng 65 at mabalikan ko ang mga nagdaang taon sa pamamagitan ng pagbabasa ng aking journal at blog. Naks.

Next post na ako magi-introduce ng sarili ko hehe. I decided nga pala na gawin ang blog na ito sa Taglish (Tagalog-English). Gusto kong ma-capture kung pano ako magsulat at magsalita ngayon. Ayaw ko naman ng purong Tagalog (malalim at sinauna). Baka magmukha naman akong 70 years old ngayon pa lang. Dapat contemporary style ang gamit ko ngayon pa lang. Di ko na ia-Italics yung mga English words. Medyo ma-trabaho ‘pag ganun. I dedicate this blog to the late president Manuel L. Quezon. Ang Ama ng Wikang Pambansa.